Mga
Tawag sa Pagsamba
Batid ninyo kung anong oras na,
Kung paanong ngayon na ang sandali para gumising kayo
sa pagkakatulog.
Pagkat higit na malapit na ngayon sa atin ng kaligtasan
kaysa noong maging
mananampalataya tayo;
Matagal nang lumipas ang gabi, malapit na ang araw.
Kaya isaisantabi na natin ang mga gawain sa dilim At isuot
ang baluti ng liwanag.
Roma 13. 11-12
Aawit ang mga burol at ang kabundukan ng pagpupuri sa
Diyos.
Ipapalakpak ng bawat puno sa gubat ang kanyang mga
kamay. Darating ang Panginoon at maghahari sa walang hanggan.
Alleluia.
Mga Pambungad na Panalangin
Walang
hanggang Diyos, sa iyong kalinga, ginawa mo ang lahat
ng panahon bilang paghahanda para sa kaharian ng iyong
Anak.
Ihanda
mo ang aming puso para sa kaningningan ng iyong kalwalhatian
at sa kaganapan ng iyong pagpapala sa pamamagitan ni HesuKristong
aming Panginoon. Amen.
(The
Book of Worship 1944)
Diyos na laging nasa kasalukuyan, itinuro mo sa amin na
matagal nang lumipas ang gabi at nasa bukana na ang araw.
Igawad
mo nga na lagi kaming masumpungang nag-aabang sa pagdating
ng iyong Anak.Iligtas mo kami sa labis na pagmamahal sa
sanlibutan, at nang makapag-abang kami sa araw ng Panginoon
nang puspos ng matiyagang pag-asa, at nang sa gayon, manatili
kami sa kanya, at nang kapag nakikita na siya, hindi kami
mahiya; sa pamamagitan ni HesuKristong aming Panginoon.
Amen.
(Church
of Scotland, ika-20 siglo)
Pagpapala ng Korona ng Pagdatal
Isang
simpleng binilog na mga sanga ng evergreen ang korona
ng Pagdatal. palatandaan ito ng buhay na walang katapusan.
Nakapalibot ang apat na kulay lilang kandila ng Pagdatal
nito sa puting kandila ni Tagapagligtas sa gitna. Maaari
ring gamitin ang pagpapalang ito para sa pagpapala ng
korona ng Pagdatal sa loob ng tahanan.
Dumating
ang Tagapagligtas u-pang maghatid sa atin ng kaligtasan
at nangako syang muling darating. Ipanalangin nating
lagi tayong handang sumalubong at tanggapin sya.
Halina, Panginoong Hesus.
At
nang mabuksan ng pagpapana-tili ng Pagdatal ang aming
puso sa pag-ibig ng Diyos,
Halina, Panginoong Hesus.
At
nang tumagos ang liwanag ng Tagapagligtas sa kadiliman
ng kasalanan, Halina, Panginoong Hesus.
At nang patuloy kaming paalala-hanin ng koronang ito na
maghanda para sa pagdating ng Tagapagligtas,
Halina, Panginoong Hesus.
At
nang puspusin kami ng Kapaskuhan ng katiwasayan at kagalakan
samantalang nagsisikap kaming sumunod sa halimbawa ni
Hesus,
Mapagmahal na Diyos, buong kagalakang nag-aabang ang iyong
Iglesya sa pagdating ng kanyang Tagapagligtas. Pinaliliwanagan
ng Tagapagligtas ang aming mga hangarin at pinapawi ang
kadiliman ng kamangmangan at kasalanan.
Ibuhos
mo nga ang iyong mga pagpapala sa amin samantalang sinisindihan
namin ang mga kandila ng koronang ito. Salaminin nawa
ng kanilang liwanag ang ringal ng Tagapagligtas, na Panginoon,
hanggang sa kabila ng walang hanggan. Amen.
Pagsisindi ng mga Kandila
ng Pagdatal
Unang Linggo
Isaias
60.2-3
Sinisindihan
namin ang kandilang ito bilang simbolo ng pag-asa na
aming Tagapagligtas.
Ikalawang Linggo
Markos
1.4
Sinisindihan
namin ang kandilang ito bilang simbolo ng Tagapagligtas,
na aming Daan.
Akayin
nawa kami ng Salitang nagmula sa Diyos sa pamamagitan
ng mga propeta sa daan ng kaligtasan.
O halina, O halina, Immanuel.
Ikatlong
Linggo Isaias
35.10
Sinisindihan
namin ang kandilang ito bilang simbolo ng Tagapagligtas
na aming Kagalakan.
Papagbunyiin
nawa kami ng pa-ngako ng iyong presensya, O Diyos, ng
pangakong nagbibigay sa amin ng kagalakan papagbunyiin
nawa kami sa inaasahan na-ming kaligtasan.
O halina, O halina, Immanuel.
Ika-4 na Linggo
Isaias
9.6-7
Sinisindihan
natin ang kandilang ito bilang simbolo ng Prinsipe ng
Kapayapaan.
Ihanda
nawa kami ng pagdalaw ng iyong Banal na Diwa, O Diyos,
para sa pagdating ni Hesus, ang aming pag-asa at
kagalakan.
O halina, O halina,Immanuel.
Sumikat
nawa sa kadiliman ang liwanag na nagmula sa Diyos upang
ipakita sa amin ang daan ng kaligtasan.
O halina, O halina, Immanuel.
Paghahayag
Ang mga Galaw sa Pagsamba para sa Bautismo ng
Panginoon.
Mga Tawag sa Pagsamba
Iukol
sa Panginoon, O mga makalangit na nilalang,
Iukol sa Panginoon ang ka-lwalhatian at lakas.
Iukol
sa Panginoon ang kalwalhatian ng pangalan ng Diyos,
Sambahin ang Panginoon sa banal na kaayusan.
Nangingibabaw
sa tubig ang tinig ng Panginoon.
Kumukulog ang Diyos ng kalwalhatian, ang Panginoong
nangingibabaw sa tubig.
Makapagyarihan
ang tinig ng Panginoon.
Puspos ng kamahalan ang tinig ng Diyos. Purihin natin
ang pangalan ng Panginoon! Awit 29
Kapaskuhan
Ang mga Galaw sa Pagsamba sa Kapaskuhan
Tawag sa Pagsamba
Ang Salita ang simula ng lahat, At nasa Diyos ang Salita,
at Diyos ang Salita.
At nagkalaman ang Salita at namuhay sa piling natin,
At nakita namin ang kanyang kalwalhatian. Juan
1:1, 14a
|